MANILA, Philippines - Patutunayan ni Genesis “Azukal†Servania ang estado bilang future world champion ng Pilipinas sa pagÂharap sa dating world champion na si Alexander “El Explosivo†Muñoz ng Venezuela sa Pinoy Pride XXIV ngayong gabi sa Grand Ballroom ng Solaire Resorts and Casino sa Parañaque City.
Ang 22-anyos na si Servania ay mangangailangan ng matinding panalo para mabuksan ang pintuan para sa posibilidad na mapalaban sa lehitimong world title baÂgo matapos ang taong ito.
“Hindi ito madaling laban pero masasabi kong handang-handa ako,†wika ni Servania (23-0, 9KOs) na itataya rin ang WBO Intercontinental super bantamweight title sa laban.
Nakita ang magandang kondisyon ni Servania dahil tumimbang siya sa 121 pounds at mas magaan siya ng isang pound kay Muñoz na nasa 122.
Nauna na ring sinabi ng Venezuelan fighter na daÂting hari sa WBA super flyweight na gagamitin niya ang pagkakataong ito para maipakita sa lahat na kaya pa niyang maging kampeon uli.
Halos walong buwan na napahinga si Munoz (36-5, 28KOs) at binalak ng magÂretiro nang natalo kay Leo Santa Cruz noong Mayo 4.
“This is not an easy fight but I have prepared hard for this for three months. I came here to win,†wika ni Muñoz.
Bago mapanood ang main event sa fight card na handog ng ALA Promotions katuwang and ABS-CBN ay magpapasikat uli ang mga wala ring talo na sina Arthur Villanueva at Jason Pagara.
Kalaban ni Villanueva (24-0, 24KOs) si Fernando Aguilar ng Mexico (9-6, 1KO) habang si Pagara (18-0,12KOs) ay makikiÂpagsukatan kay Isack Junior (22-4-2, 8KOs) ng Indonesia.
Apat na laban pa ang mauunang masaksihan at isa na rito ay si Reymi Castellano Aleye ng Cuba (3-0, 1KO) na makakalaban si Diover Managya-Ay (1-3-1) ng La Union na siyang unang laban sa ganap na alas-6 ng gabi. (AT)