MANILA, Philippines - Ipinataw kahapon ng PBA Commissioner’s Office ang pinakamalaking multa sa isang koponan.
Matapos ang kanilang pulong, inihayag ni PBA Commissioner Chito Salud ang pagpapataw sa Rain or Shine ng multang P2 milyon mula sa ginawa nitong ‘partial walkout’ sa Game Six kontra sa nagkampeong San Mig Coffee sa nakaraang 2013-2014 PBA Philippine Cup noong Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.
“Public interest dictates that walkouts can never be condoned - whether in a finals game or not. A walkout represents a total disregard of the principles and values we want our players and teams to zealously uphold: sportsmanship and the tenet that public and fan interest is paramount,†wika ni Salud.
“Deeply regrettable as it is, the ROS walkout is hereby penalized the sum of 2 million pesos (Php 2,000,000.00) for subverÂting public interest and the integrity of the game,†dagdag pa nito.
Ang Rain or Shine ang ikaapat na koponang nagsagawa ng walkout sa kasaysayan ng professional basketball league.
Ang una ay ang Anejo Rum noong 1990 na nagresulta sa kanilang mulÂtang P500,000 kasunod ang Talk ‘N Text sa isang playoff game noong 2010 para sa kanilang P1 milyon multa.
Nagbalik naman ang Red Bull, dating nasa ilalim ni coach Yeng Guiao, sa playing court matapos ang ginawang walkout noong 2006.
Pinangunahan ni Guiao ang kanyang mga Elasto Painters sa paglabas ng playing court sa 11:39 ng second period kung saan angat ang Mixers sa 30-17.
Ang aksyon ni Guiao ay nagmula sa sinasabi niyang ‘no foul’ sa pagtalikod ni JR Quiñahan nang tumirada ng jumper si Marc Pingris.