MANILA, Philippines - Sino ang tatanghaling pinakamatuling bangkero at dragon boat team?
Ang kasagutan dito ay malalaman sa pagsasagupa ng mga batikang mananagwan sa idaraos na 2014 Manila Bay Summer Seasports Festival sa Marso 8-9.
Tinatayang makikipagtagisa ang batikang mga bangÂkero mula sa Batangas, Cavite, La Union, Pangasinan, Bacolod, Iloilo, Bulacan, Navotas, Ilocos Sur, Misamis Oriental at lalawigan ng Quezon.
Sa dragon boat race, masisilayan ang mga Olympic rowers, Southeast Asian Games medalists at miyembro ng World Champion Philippine National Dragon Boat Teams. Kabuuang 18 koponan ang nagpalista.
Ang 2014 Manila Bay Summer Seasports Festival, ay handog ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard.
Ang karera ay sisimulan sa ganap na alas-8 ng umaga. Inimbitahan din ang ilang tampok na mang-aawit upang mag-perform sa awarding ceremony.