Cone masayang nalampasan ang record ni Dalupan

MANILA, Philippines - Sa gitna ng post game interview matapos ang paghahari ng San Mig Coffee sa 2013-2014 PBA Phi­lippine Cup ay hindi nakontrol ni head coach Tim Cone ang kanyang emosyon.

Nanginginig ang boses at tila malapit nang bumagsak ang kanyang mga luha, humingi siya ng katanungan sa media para saglit na pigilin ang kanyang nararamdaman.

“I’m surreal at this point. I’m in a daze right now,” wika ni Cone. “I’m having trouble sorting it all out.”

Matapos pantayan ang 15 PBA crown ng 67-anyos na si legendary mentor Baby Dalupan ay inungusan ito ng 56-anyos na si Cone mula sa paghahari ng Mixers laban sa Rain or Shine Elasto Painters.

“I am thrilled that am able to bring Baby Dalupan’s name back into the consciousness of the young ones. No one will ever surpass Baby as the greatest. It’s a great tribute to him and I am proud to be a part of his legacy,” sabi pa ni Cone.

Ito ang pang-16 PBA title ni Cone, ang 13 dito ay kanyang ibinigay sa Alaska na tinampukan ng Grand Slam noong 1996 kasama sina Johnny Abarrientos, Jojo Lastimosa, Kenneth Duremdes, Poch Juinio at Bong Hawkins, Jr.

Nakamit naman ng San Mig Coffee ang kanilang pang--anim na All-Filipino Cup title at ika-11 sa kabuuan.

Matapos kunin ng Elasto Painters ang Game One, 83-80, ay sinikwat naman ng Mixers ang Game Two, 80-70, Game Three, 77-76, at Game Four, 93-90.

Napigilan ng Rain or Shine ang pag-angkin ng San Mig Coffee sa korona sa Game Five nang sikwatin ang 81-74.

Tuluyan nang inangkin ng Mixers ang kampeonato nang ibulsa ang 93-87 ta­gumpay sa Game Six para wakasan ang kanilang best-of-seven championship series ng Elasto Painters sa 4-2.

 Sa Game Six ay humugot si guard Mark ‘Coffee Prince’ Barroca ng 14 sa kanyang 24 points para hirangin bilang Finals Most Valuable Player.

“Nagpapasalamat ako sa mga teammates ko, kay coach Tim at sa mga fans,” sabi ng tubong Zamboanga City na si Barroca.

Show comments