MANILA, Philippines - Pagkakataong maging world champion uli ang nagtulak kay Alexander “El Explosivo†Muñoz na isuot ang boxing gloves at harapin ang walang talo at batang Filipino boxer na si Genesis “Azukal†Servania.
Sa pulong pambalitaan kahapon sa Solaire Resort and Casino sa Parañaque City para sa Pinoy Pride XXIV na handog ng ALA Promotions, inamin ni Muñoz na magreretiro na sana siya matapos lumasap ng pagkatalo kay Leo Santa Cruz ng US noong Mayo 4 para sa USBA super bantamweight title.
May negosyo na siyang binuksan hanggang sa nakakuha ng tawag para harapin si Servania,
“This is an opportunity for a come back. I take care of my self very well and for this fight, I trained for three months. This is not an easy fight but I’m extremely prepared,†wika ng 35-anyos tubong Venezuela sa pamamagitan ng interpreter.
May 36 panalo sa 41 laban si Muñoz at ang ipinagmamalaki niya na dala sa laban ay ang mahabang karanasan na nakuha sa katunggali ang pinakamahuhusay na boksingero sa mundo.
Dating kampeon si Muñoz sa WBA super flyweight at nararamdaman din niya ang kakayahang tapusin ang pamamayagpag sa ring ni Servania na hindi pa natatalo sa 23 laban at kampeon sa WBO Intercontinental super bantamweight division.