Sino ba sa inyo ang hindi makakakilala kay Ely Capacio?
Dati siyang player ng Tanduay na naging Purefoods champion coach nung 1991. Nakatatandang kapatid ni Glen Capacio, dating Purefoods player na nagsilbi ring coach ng FEU Tamaraws sa UAAP.
Pero sa magkapatid, na pareho nating nakilala, di haÂmak na mas malayo ang narating ni Coach Ely sa larangan ng basketball at sa corporate world.
Matapos ang kanyang coaching career, naging opisyal siya ng Purefoods. Mataas ang kanyang pinag-aralan pero bilang isang tao, sobrang mapag-kumbaba.
Naging chairman na rin siya ng PBA at sa katunaÂyan ay sa susunod na season ay nakalinya na siya na maging chairman muli.
Pero sino nga ba si Coach Ely?
Isa siyang masayahing tao. Family man. Masarap kasama.
Isa rin siyang masugid na golfer at ayon sa isa naÂting katoto na si Musong Castillo ay laman siya ng Southwoods golf course tuwing Sabado.
Kaya nung Sabado ng umaga ay muli na naman silang nagkita sa golf course.
Napansin daw ni Musong ang magandang anyo ni Coach Ely nung araw na yun at binati pa nga niya ito. Matapos ang konting tsikahan ay naghiwalay na sila.
Ang hindi alam ni Musong ay iyon na ang huli nÂilang pagkikita.
Bago pa man matapos sa kanyang laro ay umangal na si Coach Ely ng pananakit ng kanyang itaas na likuran. Tinapos niya ang laro at nagpaalam sa mga kaÂsama.
Hindi nagtagal at nag-collapse si Coach Ely habang nagmamaneho. Naisugod siya sa ospital at ganap na inoperahan. Bago sumapit ang hating-gabi, pumanaw na si Coach Ely.
Aneurysm o ang pagputok ng sensitibong ugat papunta sa utak ang dahilan.
“Nakakagulat talaga ang nangyari kay Kuya Ely,†ang wika ni Glen.
Marami talaga ang nagulat. Pero ano pa nga ba?
Ganyan talaga ang buhay.
Paalam Coach Ely.