MANILA, Philippines - Balak tapusin ng NLEX ang tagisan para sa PBA D-League Aspirants’ Cup sa muling pagharap sa Big Chill ngayon sa Smart Araneta Coliseum.
Sa ganap na alas-4:15 ng hapon magsisimula ang bakbakan at hanap ng Road Warriors na madupliÂka ang 79-75 panalo sa unang pagtutuos sa best-of-three Finals noong Linggo.
“I’m sure Big Chill will make adjustments. But we are ready,†wika ni NLEX coach Boyet Fernandez.
Nakaumang sa Road Warriors ang ikalimang kampeonato at makakabangon din ang koponan buhat sa kabiguan sa Foundation Cup na pinagÂharian ng Blackwater Sports.
Sina Kevin Alas, Matt Ganuelas at Ola Adeogun ang kumamada sa unang pagkikita at siya ring sinaÂn sandalan ni Fernandez para pangunahan ang kanyang koponan sa larong ito.
Pero nananalig din si Fernandez na manunumbalik ang tikas ng pambatong si Garvo Lanete na nagtala lamang ng apat na puntos 1-of-8 shooting sa 26 minutong paglalaro.
“Garvo is a smart player and they can’t contain him for long. I’m sure he’ll find a way to score,†pahayag pa ni FernanÂdez.
Asahan din na hindi agad titiklop ang Superchargers na balak kunin ang kauna-unahang kampeonato sa liga.
Hindi na rin bago para sa bataan ni coach RoÂbert Sison ang madehado sa serye dahil ganito ang kanilang naranasan kontra sa Elite sa semifinals.
Nakapasok pa rin sa championship ang Big Chill nang walisin ang huling dalawang laro.
Tumapos ang koponan bitbit ang respetadong 10-of-20 shooting sa 3-point line pero masama ang performance nila sa 2-point field goal sa 17-of-53 upang tapusin ang labanan tangan ang 37% shooting (27-of-73).