MANILA, Philippines - Ang mga combat sports na pinagkukunan ng medalya ang siya pa ring aasahan ng Pilipinas para sa darating na 17th Asian Games na nakatakda sa Setyembre 19 hanggang OkÂtubre 4 sa Incheon, South Korea.
Ang mga ito, ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) chairman Tom Carrasco, ay ang boÂxing, taekwondo at wushu.
Sa nakaraang Asian Games sa Guangzhou, ChiÂna noong 2010, nag-uwi ang delegasyon ng kabuuang 3 gold, 4 silver at 9 bronze medals para tumapos na pang-18.
Ang tatlong ginto ay nagmula kina boxer Rey Saludar, billiards player Dennis Orcollo at bowler Biboy Rivera.
“Potential is boxing and taekwondo,†sabi ni Carrasco, miyembro ng joint POC-Philippine Sports Commission (PSC) Asiad Task Force, kahapon sa PSA sports forum sa Shakey’s sa Malate, Manila.
Tanging ang Gilas Pilipinas, Blu Girls (women’s softball team) at men’s rugÂby seven squad ang naÂkapasa sa kriteryang inilÂatag ng Task Force.
Hindi naman nagpahayag ng kanyang medal projection si Carrasco ukol sa magiging kampanya ng bansa sa Incheon Asian Games.