MANILA, Philippines - Maghahabol sa dating porma ang dating SEA Games long jump queen na si Marestella Torres.
Isinilang ng 33-anyos na si Torres ang kanilang unang anak na lalaki ni Eleazar Sunang noong nakaraang buwan pero nagpahayag siya ng kanyang pagnanais na mapaÂsama sa Asian Games sa Incheon Korea na lalarga mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.
Bukas ang pintuan sa posibleng pagbabalik ni Torres sa Pambansang koponan ngunit kailangan niyang patunayan na handa siya para balikatin ang laban sa gintong medalya ng ipadadalang delegasyon.
“She has a lot of catÂching up to do, there are long jumpers who can get back to competitive form. Given the time, I’m sure she will do well,†pahayag ni PSC chairman at Asian Games Chief of Mission Ricardo Garcia.
Naglagay na ng criteria ang Asian Games Task Force para sa mga atletang gustong sumama sa deÂlegasyon at ang mga manlalarong nasa measurable sports ay dapat tumapos sa ikalima sa hanay ng mga Asian athletes.
Malaki ang maitutulong ni Torres sa Pambansang koponan kung maibabalik ang kanyang dating kondisyon dahil sa rami ng malalaking torneo na sinalihan.
Isa siyang two-time Olympian (2008 Beijing at 2012 London) at nakasali sa World at Asian Championships. Noong 2009 Asian Championship sa Guangzhou, China ay nanalo siya ng ginto sa 6.51-metro lundag.
Ang pinakamalayong natalon ni Torres ay 6.71m na naitala noong 2011 Palembang SEA Games tungo sa gintong medalya.