Tinalo si Dolgopolov para sa titulo ng Rio open: Nadale ni Nadal

Itinaas ni Rafael Nadal ng Spain ang kanyang tropeo matapos talunin si Alexandr Dolgopolov sa Finals sa Rio Open.

RIO DE JANIERO--Ti­nalo ni Rafael Nadal si Ukraine’s Alexandr Dolgopolov, 6-3, 7-6, noong Linggo para angkinin ang Rio Open title.

Ito ang ika-48th ATP title ng Spanish at World number one netter sa kanyang career at ipinakita niya na magaling na ang kanyang back injury na siyang dahilan kung bakit nabigo si­yang pangunahan ang Australian Open.

Ito na ang ikalimang pa­nalo sa limang pagtutuos ni Nadal kay Dolgopolov na hindi nagawang ma-break ang serve ng 27-anyos na katunggali.

Ang kompetisyon ay ginawa sa clay court para sung­kitin din ni Nadal ang 43rd career win sa nasabing venue  upang ipaalam din ang kahandaan na ma­­i­depensa ang hawak na French Open sa Paris sa Mayo.

Walang naging proble­ma si Nadal sa first set matapos i-break ang serve ni Dolgopolov sa second para sa 4-1 kalamangan.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang Ukraine net­ter pero hindi niya nakapitalisa ang mga oportu­nidad na napunta sa kanya.

Sa seventh game ay tatlong beses niyang hina­wakan ang break point pero nakawala pa rin ang panalo nang hindi natugunan ang mga top spin na bola ni Nadal.

Sa second set ay nagkatabla ang dalawa sa 6-all para dalhin ang laban sa tie-break.

Ngunit si Dolgopolov din ang nagbigay ng momentum kay Nadal sa magkasunod na double-fault at unforced error sa backhand return upang makontento na lamang sa pangalawang puwesto

Show comments