Tinalo si Dolgopolov para sa titulo ng Rio open: Nadale ni Nadal
RIO DE JANIERO--TiÂnalo ni Rafael Nadal si Ukraine’s Alexandr Dolgopolov, 6-3, 7-6, noong Linggo para angkinin ang Rio Open title.
Ito ang ika-48th ATP title ng Spanish at World number one netter sa kanyang career at ipinakita niya na magaling na ang kanyang back injury na siyang dahilan kung bakit nabigo siÂyang pangunahan ang Australian Open.
Ito na ang ikalimang paÂnalo sa limang pagtutuos ni Nadal kay Dolgopolov na hindi nagawang ma-break ang serve ng 27-anyos na katunggali.
Ang kompetisyon ay ginawa sa clay court para sungÂkitin din ni Nadal ang 43rd career win sa nasabing venue upang ipaalam din ang kahandaan na maÂÂiÂdepensa ang hawak na French Open sa Paris sa Mayo.
Walang naging probleÂma si Nadal sa first set matapos i-break ang serve ni Dolgopolov sa second para sa 4-1 kalamangan.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang Ukraine netÂter pero hindi niya nakapitalisa ang mga oportuÂnidad na napunta sa kanya.
Sa seventh game ay tatlong beses niyang hinaÂwakan ang break point pero nakawala pa rin ang panalo nang hindi natugunan ang mga top spin na bola ni Nadal.
Sa second set ay nagkatabla ang dalawa sa 6-all para dalhin ang laban sa tie-break.
Ngunit si Dolgopolov din ang nagbigay ng momentum kay Nadal sa magkasunod na double-fault at unforced error sa backhand return upang makontento na lamang sa pangalawang puwesto
- Latest