Aussie triathletes wagi sa Challenge Triathlon

MANILA, Philippines - Nagdomina ang mga Australian triathletes na sina Matt Burton at Melissa Hauschildt sa kauna-una­hang Challenge Triathlon Family Series kahapon sa Camayan Beach Resort at Ocean Adventure sa Su­bic Bay.

Naorasan ang 26-an­yos na si Burton ng apat na oras, 26 minuto at 53 segundo habang si Hauschildt ay may 4:39:26 sa 1.9-km swim, 90-km bike at 21-km run karera.

Pumangalawa at pumangatlo sa kalalakihan sina Australin Michael Murphy (4:28:41) at Frederick Croneborg ng Sweden (4:29:42) habang sina Aussie Anabel Lexford (4:47:04) at Emma Pooley (4:47:43) ang kumumpleto sa top three sa kababaihan.

Ang dating national duathlon champion na si Augusto Benedicto ang siyang unang Pinoy na tumawid nang nalagay sa 12th place sa kalalakihan sa 4:44:44 habang si Monica Torres ang nagdala sa kababaihan sa 5:28:05 tiyempo.

Ang Team Unilab naman ang nanguna sa Team Relay division.

Umabot sa 700 triathletes mula sa 38 bansa ang nakilahok sa kompetisyon na suportado ng The Philippine Star, Subic Bay, MMDA, Department of Tourism, Camayan Beach Resort and Hotel, Ocean Adventure, Adventure Beach, PLDT at Swim.PH.

Show comments