MANILA, Philippines - Magsasagawa ang Philippine Sportswriters Association ng basketball tournament na tinawag na ‘PSA-Philippine Sports Commission Pakitang Gilas Basketball League Willie Caballes Cup’ Season 3 sa Lunes sa Rizal Memorial Coliseum.
Kabuuang limang koponan, ang apat dito ay binubuo ng mga miyembro ng pinakamalaking sportswriting fraternity sa bansa, ang makikita sa torneo na itinataguyod ng PSA at PSC at suportado ng PRC, Sonia Trading, Milo Best, ACCEL at Magnolia Purewater.
Idedepensa ng Charlie’s Dy-mons, ginagabaÂyan ni coach Malaya senior reporter Noli Cortes, ang korona na kanilang inagaw sa dating kampeong San Mateo Spurs ni Joey Villar ng Philippine Star.
Ang iba pang tropang kasali ay ang Tigerscribes ni Rey Joble, San Miguel Beermen ni Jon Hernandez at ang PSC team nina chairman Richie Garcia at executive director Atty. Guillermo Iroy.
Ang nasabing annual tournament ay isinasagawa bilang paggunita sa namaÂyapang si Manila Bulletin sports editor Willie Caballes.