Nadal sinibak si Montanes sa Rio Open

RIO DE JANEIRO--Walang naging problema si Rafael Nadal sa kanyang back injury matapos kunin ang 6-1, 6-2 panalo laban sa kanyang kababayang si Albert Montanes patungo sa quarterfinals ng Rio Open.

Sumakit ang likod ng No. 1-ranked na si Nadal sa kanyang ginawang warm up para sa nakaraang Australian Open final apat na linggo na ang nakararaan.

Tinalo siya ni Stanislas Wawrinka para sa korona.

Ang kanyang unang nilaruan ay ang clay courts sa Rio kung saan niya sinubok ang kanyang likod bilang paghahanda sa pagsabak sa French Open sa susunod na tatlong buwan.

Sa iba pang men’s match, tinalo ni third-see­ded Fabio Fognini si Pablo Cuevas ng Uruguay, 7-6 (1), 4-6, 6-3.

Umabante rin sa quarters si Alexandr Dolgopolov ng Ukraine matapos talunin si Facundo Bagnis ng Argentina, 6-7 (4), 6-2, 7-6 (4).

Sa women’s side, itinakda nina fifth-seeded Kurumi Nara ng Japan at Lourdes Dominguez Lino ng Spain ang kanilang quarterfinal matchup matapos magtala ng mga panalo.

Inungusan ni Nara si Anna-Lena Friedsam ng German3y 6-0, 7-6 (3), at tinalo ni Dominguez Lino si Chanelle Scheepers ng South Africa, 2-6, 7-6 (7), 6-1.

Show comments