Ateneo, Adamson unahan sa panalo

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. Ateneo vs FEU

(men Final Four)

4 p.m.  Adamson vs Ateneo (women step-ladder semis)

 

MANILA, Philippines - Pagsisikapan ng Ate­neo na mapangatawanan ang mas mataas na estado sa Adamson sa pagsisi­mula ng UAAP women’s volleyball step-ladder semifinals ngayon sa The Arena sa San Juan Arena.

Dakong alas-4 ng hapon itinakda ang tagisan na isang knockout game at ang mananalo ang siyang ma­kakatipan ng pumangalawa sa elimination round na National University para sa ikalawa at huling puwesto sa Finals.

Nagkaroon ng step-ladder semis dahil dumiretso sa championship round ang three-time defending champion La Salle matapos ang 14-0 sweep.  Ang Lady Archers ay may thrice-to-beat advantage sa Finals.

Winalis ng Lady Eagles ang Lady Falcons sa dalawang pagkikita sa eliminasyon, 25-21, 25-12, 25-22, at 25-22, 25-19, 16-25, 18-25, 15-13.

  Sa unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon ay magpapang-abot muna ang Ateneo at FEU sa pagsisimula ng Final Four sa men’s division. (ATan)

Show comments