MANILA, Philippines - Wala ng dapat ipag-alala ang Pilipinas kung ang hangaring paghakot ng medalya ang pag-uusapan sa 2015 Singapore SEA Games.
Ang boxing na isa sa pinaghuhugutan ng gintong medalya ng bansa pero naunang inalis ng host country ay ibinalik na sa mga talaan ng sports na lalaruin sa kompetisyong nakakalendaryo mula HunÂyo 5 hanggang 16 sa susuÂnod na taon.
Si POC chairman Tom Carrasco Jr. ang dumalo sa pagpupulong ng South East Asian Games Federation kamakailan sa Singapore kung saan napagkaÂsunduan ng sports and rules committee na ibalik ang contact sport na ito.
“Total sports approved to date are 36,†wika ni Carrasco.
Umani ng tatlong ginto, apat na pilak at tatlong bronze medals ang Pilipinas sa Myanmar Games sa boxing kaya’t nabahala ang mga sports officials ng bansa nang napaulat na hindi naisama sa naunang sinang-ayunan na 30 sports ng host country.
Bukod sa boxing ay ibinalik din ang larong traditional boat race, equestrian, indoor volleyball, petanque at floorball.
Nakikita ni Carrasco ang posibilidad na magdagÂdag pa ng isa o dalawang sports ang host at maaÂaring pagpilian ang karaÂtedo, weightlifting at kempo na itinutulak ng maraming SEA countries. (JV)