^

PSN Palaro

Boxing event ibinalik sa 2015 Singapore SEAG

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala ng dapat ipag-alala ang Pilipinas kung ang hangaring paghakot ng medalya ang pag-uusapan sa 2015 Singapore SEA Games.

Ang boxing na isa sa pinaghuhugutan ng gintong medalya ng bansa pero naunang inalis ng host country ay ibinalik na sa mga talaan ng sports na lalaruin sa kompetisyong nakakalendaryo mula Hun­yo 5  hanggang 16 sa susu­nod na taon.

Si POC chairman Tom Carrasco Jr. ang dumalo sa pagpupulong ng South East Asian Games Federation kamakailan sa Singapore kung saan napagka­sunduan ng sports and rules committee na ibalik ang contact sport na ito.

“Total sports approved to date are 36,” wika ni Carrasco.

Umani ng tatlong ginto, apat na pilak at tatlong bronze medals ang Pilipinas sa Myanmar Games sa boxing kaya’t nabahala ang mga sports officials ng bansa nang napaulat na hindi naisama sa naunang sinang-ayunan na 30 sports ng host country.

Bukod sa boxing ay ibinalik din ang larong traditional boat race, equestrian, indoor volleyball, petanque at floorball.

Nakikita ni Carrasco ang posibilidad na magdag­dag pa ng isa o dalawang sports ang host at maa­aring pagpilian ang kara­tedo, weightlifting at kempo na itinutulak ng maraming SEA countries. (JV)

BUKOD

CARRASCO

MYANMAR GAMES

NAKIKITA

PILIPINAS

SHY

SOUTH EAST ASIAN GAMES FEDERATION

SPORTS

TOM CARRASCO JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with