Mainit na pagsalubong kay Martinez handa na
MANILA, Philippines - Mainit na pagsalubong ang igagawad kay Michael Christian Martinez sa pagÂdaÂting ng bansa bukas mula sa paglahok sa Winter Olympics sa Sochi, Russia.
Ang kauna-unahang Filipino at South East Asian figure skater na pumasok ng Winter Games ay bibigyan ng motorcade na sisimulan sa ganap na alas-4 ng hapon at mula airport ay dadalhin siya sa Mall of Asia Ground sa Pasay City.
Nangunguna sa magarbong pagsalubong ang SM Prime Holdngs Inc. na pinamumunuan ni Hans Sy, ang chairman ng Philippine Skating Union, at siyang sumagot sa halos lahat ng gastusin ng 17-anyos na si Martinez.
“We are very proud of Michael. Not only did he give honor to our country, but he is also a shining example for the youth as someone who saw no limits to what he can achieve,†ani Sy na ang pamilya ang nagmamay-ari sa SM Group of Companies.
Tumapos si Martinez sa ika-19th puwesto mula sa 24 na umusad sa medal round sa dalawang araw na kompetisyon sa Iceberg Skating Palace matapos makalikom ng 184.25 puntos.
Sa SM Southmall unang nagsanay si Martinez noong walong taon gulang pa lamang siya at sa kanyang paglalaro ay nanalo na ng 194 medalya sa local at international tournaments na sinalihan.
Matapos ang nakuhang karanasan, si Martinez ay nangakong huhusayan pa ang pagsasanay para maÂkamit ang hangaring makasali sa 2018 Winter GaÂmes sa Pyeongchang, South Korea.
Nanguna na sa nangaÂkong tutulong sa pangangaÂilangan ni Martinez si businessman/sportsman Manny V. Pangilinan gamit ang kanÂyang MVP Sports Foundation.
- Latest