MANILA, Philippines - Itakda ang ikatlong ‘4-peat’ sa huling 16 na taon ang balak gawin ng Adamson sa pagbangga uli sa National University sa ikalawang tagisan sa UAAP softball Finals ngayong umaga sa Rizal Memorial Diamond.
Galing ang Lady Falcons mula sa 11-3 panalo sa Lady Bulldogs at kailangan na lamang nila na manalo uli sa alas-9 ng umaga na tagisan para wakasan ang kampanya bitbit ang 14-0 baraha.
Maiaangat din ng AdamÂson sa 48-0 ang baÂraha mula 2010 at maÂdugtungan ang dominasyon sa liga.
Naka-four-peat na ang Lady Falcons noong 1997-2000 at 2003-2006.
“Hindi kami puwedeng magpabaya dahil kayang manalo ng National University dahil malakas ang team na ito. Kaya talagang dapat magpursigi pa,†wika ni coach Ana Santiago.
May tiwala pa rin si Lady Bulldogs coach Saki Bacarisas sa kakayahan ng mga alipores na manalo para manatiling palaban sa unang kampeonato.
Sakaling maisahan nila ang Lady Falcons, kailaÂngan pa nila itong gapiin sa dalawang sunod na laro dahil may thrice-to-beat advantage ang Adamson bilang gantimpala sa 12-0 sweep sa elimination round.
“Sa breaks lang nagkatalo. Ang hindi namin inaasahan na tatama, siya ang tumama. Pero kaya pa naming bumawi,†pahayag ni Bacarisas na hanap na higitan ang pangalawang puwestong pagtatapos na nailista noong nakaraang taon.
Samantala, namuro ang FEU na walisin ang men’s at women’s football titles nang manalo sa Game One ng Finals sa magkabilang dibisyon kahapon sa FEU Diliman Pitch.
Ang 17-anyos na si Ina Araneta ang siyang pinalad na nakaiskor sa 82nd miÂnute para sa 1-0 panalo ng Lady Tamaraws sa UST sa women’s division.
Kumawala naman ng tig-isang goals sina Joshua Mulero, Harold Alcoresa at Jess Melliza sa extra time tungo sa 4-1 panalo sa UP sa men’s division.
Kontrolado ng FEU ang laro at si Arnel Amita ang unang umiskor sa laro sa ikapitong minuto pero pinalad na nailusot ni Carlos Monfort ang isang header sa 89th minute para makatabla ang UP.