Donaire-Vetyeka fight kasado na sa Mayo 31

NONITO DONAIRE, SIMPIWE VETYEKA

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pagkakataon si Nonito Donaire Jr. na makuha ang world title sa ikalimang weight division sa pagharap laban kay WBA at IBO featherweight champion Simpiwe Vetyeka sa South Africa.

Sa Mayo 31 sa The Venetian sa Macau, China gagawin ang title fight na handog ng Top Rank.

Naselyuhan ang ta­gi­­san ng dalawang boxer matapos maayos ang usapin sa pagitan ng Top Rank na kinatawan ni Bob Arum at International match­maker at promoter Sampson Lewkowicz kaha­pon.

Si Donaire na pinagha­rian ang flyweight, super flyweight, bantamweight at super bantamweight divisions ay nasa panga­ngalaga ng Top Rank.

May 32 panalo at dalawang talo, kasama ang 21 KOs, ang 31-anyos na si Donaire ay huling lumaban noong Nobyembre 9, 2013 at tinalo siya sa pamama­gitan ng ninth round  knockout si Vic Darchinyan.

Pambawi niya ito matapos isuko ang WBO super bantamweight title kay Cuban Guillermo Rigondeaux noong Abril 13 sa pamamagitan ng unanimous decision.

Ang 33-anyos na South African ay sariwa sa pagtala ng sixth round retired panalo kay dating WBA champion Chris John ng Indonesia noong Disyembre 6.

Siya rin ang kampeon sa IBO matapos talunin sa TKO sa 12th round ang isa pang Indonesian champion na si Daud Cino Yordan noong Abril 14.

Nagkaroon ng pagkakataon na mapalaban sa titulo si Donaire dahil siya ay rated number four sa WBA.

Kailangan ni Donaire ang puspusang pagsasa­nay dahil kinikilala niya si Vetyeka bilang isa sa pinakamahusay na boksi­ngero sa nasabing dibis­yon.

Suportado ang kanyang pahayag dahil lu­malabas si Vetyeka bilang pang-lima sa talaan ng Fight­news bilang pinakama­tinding boksingero sa nasabing dibisyon.

Show comments