Smart golfers wagi sa PMA tournament

MANILA, Philippines - Nanguna ang mga em­­­pleyado ng wireless services leader na Smart Communications, Inc. (Smart) sa katatapos na benefit golf tournament na inorganisa ng Philippine Military Academy “Dimalupig” Class of 1981 sa Camp Aguinaldo Golf Club.

Si corporate wireless consultant Ricky Velasco ay hinirang na tournament champion, habang si service delivery and data center operations ma­nager Richard Salcedo ang runner-up para sa Class A.

Sumegunda naman si consultant Florante Jimenez para sa Class C.

Sina Velasco, Salcedo at Jimenez ay mga miyembro ng Smart Golf Club, isa sa 20 internal organizations na humihikayat sa kanilang mga kawani na makamit ang work-life balance at “Live More.”

Ang Smart ay isa sa sponsor ng torneo.

Ang mga nalikom na pondo ay ibibigay sa pagpapagawa ng PMA historical marker sa Fort del Pilar, Baguio City.

Show comments