^

PSN Palaro

Garcia binigyan ng deadline ang mga atletang isasabak sa Asiad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May hanggang Agosto 15 na lamang ang mga Filipino athletes na gustong lumahok sa 2014 Asian Games sa Incheon, South Korea para ipaglaban ang kanilang pagkakasama sa delegasyon.

Ito ang inihayag kahapon ni Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia, ang chef-de-mission sa Incheon Games.

“They have until  August 15 to prove to us that they deserve a slot to the team,” wika ni Garcia.

Idinagdag pa ni Garcia na ang naturang petsa ay bago ang itinakdang final deadline ng Incheon organizers para sa submission ng list of athletes by names.

Ang Asian Games ay nakatakda sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.

Kasalukuyan nang  tina­trabaho ng Asian Games task force na pinamumunuan ni Garcia kasama sina Philippine Olympic Committee chairman Tom Carrasco, basketball official Jay Adalem at tennis official Romeo Magat ang komposisyon ng delegation.

Sinimulan na nila ang one-on-one discussions sa hanay ng mga National Sports Associations (NSAs) na nagnanais na makapag­lahok ng atleta sa Incheon Games.

Sa mga pulong, nalaman nila kung ilang atleta ang gustong ipadala ng mga NSAs pati na ang qualifying tournaments na nais nilang salihan at ang local at foreign training.

Ang mga gold meda­lists sa nakaraang Southeast Asian Games sa Myanmar ay nasa itaas ng listahan ng task force.

“A gold medal in Myanmar is not a sure ticket because there are SEA Games events where the gold medal will not even come close to a bronze in the Asian Games,” wika ni Garcia.

 

ANG ASIAN GAMES

ASIAN GAMES

GAMES

GARCIA

INCHEON

INCHEON GAMES

JAY ADALEM

MYANMAR

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with