MANILA, Philippines - Hiniya ng collegiate team Rizal Technological University-2 na sina Priscilla Catacutan at Jessa Aranda ang beteranong CagaÂyan Valley-1 nina Angeli Tabaquero at Janine Marciano sa 22-20 upset sa pagpapatuloy ng 2014 1st leg Petron Ladies’ Beach Volleyball Tournament sa Santa Ana, Cagayan.
Humabol sina Catacutan at Aranda mula sa anim na puntos na pagkakalubog gamit ang mas masidhing determinasyon para pumasok sa semifinals sa namanghang manonood sa Anguib beach.
Ang placement shot ni Aranda na nasundan ng drop shot ni Catacutan ang bumasag sa huling tabla sa 22-all.
Tinapos ng RTU-2 ang elims sa Group A bitbit ang 3-1 karta para makatabla sina Air Force-2 nina Genalyn Andaya at Ana Abanto at Perpetual Help-2 nina Abigail Nuval at Hyrize Macabuhay.
Pero mas mataas ang quotient ng RTU para manatiling palaban sa titulo sa ligang handog ng Petron at suportado ng Cagayan Economic Zone Authority, ang provincial government ng Cagayan at Mikasa balls.
Nakaabante sa Group B ang PAF-1 nina Iari Yongco at Judy Caballejo at ang Cagayan Valley-2 nina Pau Soriano at Leuseth Dawis.