^

PSN Palaro

Martinez tumapos ng 19th place sa Sochi Winter Olympics

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpakita uli ng solidong routine si Michael Christian Martinez sa Free Skate program upang tumapos sa ika-19th puwesto sa 24 skaters na umabante sa medal round sa men’s singles figure skating sa 2014 Winter Olympics sa Sochi, Russia noong Biyernes ng hating-gabi.

Ang 17-anyos ay su­mayaw sa tugtuging Ma­lagueña sa Iceberg Skating Palace at ipinamalas uli ang husay sa triple axle at triple loop sa double toe na hinangaan ng mga manonood at mga commentators sa telebisyon.

“He really looked very, very impressive indeed,” wika ng commentator sa husay ng kauna-unahang Filipino at South East Asian figure skater sa Winter Games.

Matapos ang ipinakita, si Martinez na binigyan ng 64.81 sa short program para sa 19th puwesto, ay ginawaran ng 119.44 score sa free stake.

Pinagsama ang kanyang nakuhang mga pun­tos sa dalawang araw na kompetisyon tungo sa 184.25 total upang hindi na rin matinag sa inookupa­hang puwesto.

Hindi man pinalad na makakuha ng medalya, kontento naman si Martinez sa tinapos dahil ang orihinal niyang hangarin ang makaabot sa Top 24 dahil sa bigat ng mga kalaban.

“Sobrang saya ko. Nakakataba ng puso ‘yung suporta na binibigay nila sa akin. Thankful talaga ako sa support na binibigay  n’yo,” wika ni Martinez sa panayam sa telebisyon.

Dahil sa magandang ipi­nakita, ginantimpalaan siya ni sports patron Manny V. Pangilinan ng $10,000.00 (halos P450,000.00) bilang insentibo.

Sinabi rin ni Martinez na pagsisikapan niyang asintahin ang puwesto sa 2018 Games sa Pyeongchang, South Korea at nananalig siya na magpapatuloy din ang suporta sa kanya para maabot ito.

Nagpalabas na rin ng mensaha ng pagbati ang Malacañang sa naabot ni Martinez.

Napagtagumpayan na­­man ni Yuzuru Hanyu ng Japan ang maging ka­una-unahang Asyano na manalo ng ginto sa nasabing event.

Nabigyan ang dating World Junior champion ng 178.64 puntos at isinama sa 101.45 na nakuha sa short program, si Hanyu ay nanguna sa kompetisyon sa 280.09 puntos.

Ang four-time World champion ng Canada na si  Patrick Chan ang nag-uwi ng pilak sa 275.62 total, kasama ang 178.10 sa free program habang ang Kazakhstan na si Denis Ten ang nag-uwi ng bronze sa 255.10 puntos.

DENIS TEN

FREE SKATE

ICEBERG SKATING PALACE

MANNY V

MICHAEL CHRISTIAN MARTINEZ

PATRICK CHAN

SHY

SOUTH EAST ASIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with