MANILA, Philippines - Nagmula ang 6-anyos na Filipino-Thailand based whiz kid na si James Henry Cabalu Calacday mula sa isang 2nd place finish sa katatapos na U-8 category ng 6th IWICA youth Chess championship sa Bangkok, Thailand.
Kasalukuyan nang nagsasanay si James Henry sa ilalim nina NMs Ryan Dungca at Leonardo Alidani bilang paghahanda sa International Tournament.
Tinutulungan din ni National Master Rudy Ibañez si James Henry sa ilang serye ng chess training sa tuwing ito ay nasa Manila.
Tanging anak nina Henry at Regina Cabalu Calacday ng Gainsfield Chess and Language Centre sa Bangkok, Thailand, naimbitahan si James Henry sa ilang chess tournament sa United States.