MANILA, Philippines - Pinangatawanan ng mga beteranong sina Elaine Alora at Jade Zafra ang kanilang mataas na estado nang kumubra sila ng ginto sa SMART CPJ (Carlos Palanca Jr.) taekwondo championship kamakailan sa Ninoy Aquino Stadiium.
Tinalo ni Alora ng Delta si Jane Rafaelle Narra ng UST sa middleweight habang si Zafra ng UST ay nangibabaw sa schoolmate na si Arianne Asegurado sa featherweight sa senior women’s division.
Ang iba pang nanalo ng ginto sa kababaihan ay sina Korina Paladin ng UST sa finweight, Levita Ronna Ilao ng Lyceum sa flyweight, Bianco Go ng UST sa bantamweight, Jessica Diane Castil ng San Beda sa lightweight at Patricia Francesca Gonzalez ng Delta sa welterweight.
Tinalo naman ni Keno Anthony Mendoza ng Delta si Aaron Agojo ng Ateneo sa flyweight at nangibabaw si Paul Romero ng UST kay Lorenz Chavez ng Rizal Province sa bantamweight sa hanay ng senior men.
Ang iba pang nanalo ay sina Jenar Torrijo ng UE (fin), Benjamin Keith Sembrano ng La Salle (feather), Christian Al dela Cruz ng UST (light), Joel Alejandro ng Ateneo (welter) at Gio de Dios ng UP (middle).
Nakisalo rin sa mga nagtagumpay ang Cebu na nanalo ng anim na ginto sa poomsae (forms) division.