NLEX at Blackwater lumapit sa Finals

Laro Bukas

(Ynares Arena, Pasig City)

2 p.m. Blackwater vs Big Chill (Game 2)

4 p.m. NLEX vs Hog's Breath (Game 2)

 

MANILA, Philippines - Lumapit sa pagwalis sa kani-kanilang semifinals series ang nagdedepensang NLEX at Blackwater Sports matapos kunin ang Game One.

Inilampaso ng Road War­riors ang Hog’s Breath Ra­zorbacks, 99-74, habang binigo ng Elite ang Su­perchargers, 84-72, sa ka­nilang best-of-three se­mifinals duel para sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa San Juan Are­na.

Ang panalo ng NLEX sa Hog's Breath at tagumpay ng Blackwater sa Big Chill bukas sa Game Two ang mag­tatakda sa kanilang ti­­tular showdown.

Umiskor si Garvo La­nete ng game-high na 23 points kasunod ang 14 ni Matthew Ganuelas at 12 ni Kevin Alas at 11 ni Jake Pascual para sa Road Warriors.

Show comments