^

PSN Palaro

Ang mananalo ang sasagupa sa Rain or Shine, finals seat pag-aagawan ng Ginebra at San Mig

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ito na ang laro kung saan aabante ang mananalo sa best-of-seven championship series, habang ang ma­tatalo ay magkakaroon ng bakasyon.

Nagtabla sa 3-3, tatapusin ng Barangay Ginebra at ng San Mig Coffee ang kanilang best-of-seven semifi­nals showdown sa Game Seven ngayong alas-8 ng ga­bi para sa 2013-2014 PBA Philippine Cup sa Smart Ara­neta Coliseum.

Bumangon ang Gin Kings mula sa isang 14-point de­ficit sa second period para balikan ang Mixers, 94-91, sa Game Six noong Lunes.

“Nakuha namin ang right formula the last time out,” sa­bi ni Ginebra coach Ato Agustin. “Walang pagbabago sa Game Seven, pipilitin namin uling gawin ang mga ta­ma naming ginawa sa Game Six.”

Naging inspirasyon din ng mga Gin Kings ang pagbi­bigay sa kanila ng mensahe ni ‘Living Legend’ Robert Ja­worski, Sr. sa kanilang dugout sa halftime.

“Sabi nga ni Sen. Jaworski, huwag naming sayangin ‘yung suporta ng taong bayan sa amin,” ani guard LA Te­norio.

Hangad naman ni mentor Tim Cone na maipasok ang San Mig Coffee sa kanilang ika-25 finals appea­rance.

“It’s been a great series, a tough series with a lot of drama, and it seems only fitting that it should go to a Game Seven,” wika ni Cone, kasalukuyang katabla si le­gendary coach Baby Dalupan sa paramihan ng PBA titles sa bilang na 15.

ATO AGUSTIN

BABY DALUPAN

BARANGAY GINEBRA

GAME SEVEN

GAME SIX

GIN KINGS

LIVING LEGEND

SAN MIG COFFEE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with