NU netters asam ang UAAP crown

MANILA, Philippines - Lalabanan ngayon ng National University ang University of the Philippines para sa men’s tennis finals ng UAAP Season 76 sa Philippine Columbian Association courts sa Paco.

Hangad ng Bulldogs na manalo pang alas-10 ng uma­gang laban nila ng Maroons para makamit ang ka­nilang ikalawang sunod na titulo.

Sa ilalim ni multi-titled coach Karl Santamaria, ang NU ay nasa isang 21-game winning streak sa men’s tennis sapul noong nakaraang taon.

Nang makuha ang ‘twice-to-beat’ championship in­centive, tinalo ng Bulldogs ang Fighting Maroons, 3-2, sa huling araw ng men’s eliminations noong Pebrero 2.

Ang tagumpay ng UP ang magreresulta sa isang ‘sudden death’ match sa Pebrero 17 sa ganap na alas-10 ng umaga.

Sa women’s championship opener, tinalo ng titlehol­der De La Salle ang NU, 3-2, sa panalo ni Reggie San­tiago kay NU rookie Tin Patrimonio, 6-4, 3-6, 6-3.

 

Show comments