MANILA, Philippines - Pangungunahan ni 20Â10 Asian Games bronze meÂdalist Kristie Elaine Alora ang mga taekwondo jins na ilalaban sa Incheon Asian Games sa Setyembre.
Si Alora ay isinama sa tatlong pangalan na itiÂnutuÂlak ng Philippine Taekwondo Association (PTA) paÂra maÂpabilang sa Asian Games pool.
Makakasama pa ni AloÂra, gold medalist sa woÂmen’s over 73-kilogram division sa Myanmar SEA Games, sina Jade Zafra at KrisÂtopher Robert Uy.
Si Zafra at Uy ay mga gold medal winners din sa 2013 SEA Games at ang una ay nagdomina sa women’s -57 kg., habang sa men’s over 87 kg. naÂnalo ang huli.
Ang Task Force Asian Games na binubuo nina POC chairman Tom CarÂrasco Jr., Philta secretary-geÂneral Romy Magat, SBP treasurer Dr. Ernesto Adalem at PSC chairman at Chief of Mission Ricardo Garcia ay nagsasagawa ngayon ng pagpupulong sa mga kasaling NSAs para maÂdetermina kung sino ang puwede nang isama sa pool.
Kapag nabuo na ang pagÂdinig, ang mga atletang pasado sa inilatag na criteria ay magsisimula na ng pagÂsasanay.
“These three jins are currently the best in the naÂtional pool and their gold meÂdals in Myanmar can attest to that,†wika ni PTA naÂtional training director NoÂel Veneracion.
Binigyan ang taekwondo ng TF ng tig-anim na manÂlalaro sa kalalakihan at kaÂbabaihan para masama sa delegasyon.
Ang contact sport na nagsimula sa Korea ay magkakaroon ng tig-waÂlong events sa magkabilang dibisyon pero hindi pa rin isinama ang poomsae events na kung saan malaÂkas ang Pilipinas.
Ang ibang pangalan na ipatatala ng PTA ay ibibigay maÂtapos rebisahin ang mga naunang kompetisyon na isinagawa na.
Hanap ng taekwondo deÂlegation na mahigitan ang pinakamataas na naÂabot ng jins sa Asiad na piÂlak na medalya na naibigay nina Tshomlee Go at ToÂni Rivero noong 2006 sa DoÂha, Qatar.