PBA D-league aspirants’ cup NLEX, Big Chill puntirya ang 1-0 Abante sa kanilang mga serye

MANILA, Philippines - Pangatawanan ang pa­giging No. 1 at No. 2 sa eli­mination ang pagsisika­pang gawin ngayon ng NLEX at Big Chill sa pagsi­simula ng best-of-three semifinals series ng PBA D-League Aspirants’ Cup  sa The Arena sa San Juan City.

Ang Road Warriors na si­yang nagdedepensang kampeon at balak na kunin ang ika-limang titulo sa hu­ling anim na conferences ay makakasukatan ang Hog’s Breath Café sa ganap na alas-2 ng hapon.

Isusunod dito ang pag­ku­krus ng landas ng Super­chargers laban sa palabang Blackwater Sports sa alas-4:00.

Mahalaga ang ma­ka­una dahil ang serye ay ini­lagay lamang sa isang best-of-three series.

Nagamit ng tropa ni coach Boyet Fernandez ang 12 araw na pahinga pa­ra maghilom ang mga in­juries ng manlalaro.

Si Garvo Lanete na hin­di nakasama sa hu­ling dalawang laban ng ko­ponan dahil sa shoulder in­jury ay sinasabing handa nang maglaro upang may ma­katuwang ang ibang ka­mador katulad nina Ola Adeogun, Ronald Pascual, Kevin Alas at Matt Ga­nuelas.

Malaki ang maitutulong kung kumpleto ang bataan ni Fernandez dahil tinalo na sila ng Razorbacks, 83-78, sa elimination round.

“They are the only team to beat NLEX and Big Chill, which are the top two teams at the end of the elimination. We really have to play solid individual and team defense if we want to win,” wika ni Fernandez.

Dehado ang Razorbacks sa mata ng kanilang coach Caloy Garcia dahil mas beterano at mas talen­ta­do ang line-up ng NLEX kumpara sa kanila.

“For us to win, we have to be strong enough to stay with them until the last two minutes.Then you hope and pray that the breaks will be on your side,” wika ni Garcia.

Balikatan din ang bak­ba­kan ng Superchargers at Elite dahil ang una ay mag­hahangad na manati­ling buhay ang paghahabol sa kauna-unahang titulo sa liga, habang ang huli ay pla­nong dugtungan ang na­kuhang tagumpay sa Foun­dation Cup.

Nanalo ang tropa ni coach Robert Sison sa unang tagisan, 90-83, pero nai­panalo ng tropa ni Leo Isaac ang apat na knockout games.

 

Show comments