Pacquiao matanda na - Bradley

MANILA, Philippines – Naniniwala si WBO welterweight champion Timothy Bradley na masyado nang matanda si eight-division champion Manny Pacquiao.

Sinabi ni Bradley sa kanyang panayam sa The Boston Herald na magiging problema ni Pacquiao ang kanyang edad sa muling paghaharap nila sa Abril 12.

Dagdag niya na handa siya sa kung ano man ang ibibigay ng Saranggani representative.

“Manny says he's coming to bring the pain. He says he's going to be the Manny of old and he's not going to show compassion. He says I'll have to knock him out to win, that he'll outbox me,” wika ni Bradley.

“Manny's what, 36 now? Ain't no 36-year-old whipping my behind. No way he's going to outpunch me, outwork me,” dagdag niya.

Sa huling laban ni Pacquiao ay pinakita niyang may ibubuga pa siya matapos ang dalawang magkasunod na talo nang gulpihin niya si Brando Rios sa Macau nitong Nobyembre.

Sinabi ni Bradley na mananalo lamang si Pacquiao kapag pinatumba siya.

“Only way he's gonna beat me is knock me out because as long as I got life in me, I'll keep punching. I embrace that challenge with open arms.”

Show comments