MANILA, Philippines - Nanawagan ang MaÂlacañang na suportaÂhan ang pambato ng Pilipinas na si Michael Christian Martinez sa 2014 Winter Olympics sa Sochi, Russia.
Sinabi kahapon ni PreÂsiÂdential Spokesman Edwin Lacierda na kumpiyansa ang Palasyo na makakapag-uwi ng medalya si Martinez sa figure skating sa kabila ng kawalan ng snow sa bansa.
“We hope the Filipino people are behind Christian and his quest for gold at the Sochi Olympics,†wika ni Lacierda sa dzRB.
Ang 17-anyos na si Martinez ang tanging kinatawan ng bansa sa figure skating competition.
Si Martinez ay sinamahan ng kanyang inang si Maria Teresa at Russian coach na si Russian Victor Kudryatsev sa Winter Games.
Siya ay sinasanay ni Kudryavtsev sa Moscow noong nakaraang buwan.
Idinagdag pa ni LaÂcierda na ang Malacañang ay “very, very proud†of such athletes and “we hope God will bless you.â€
“We can do it,†dagdag pa nito.
Si Martinez ang kauna-unahang figure skater mula sa South East Asia.
Tumapos siya bilang pang-pito sa nakaraang NeÂbelhorn Trophy sa Germany noong nakaraang taon.
“We always say that if the Filipinos are given a chance to excel they will have the opportunity to excel and they will have the competence to excel,†ani Lacierda.