MANILA, Philippines - Disiplina, pagtitiwala sa isa’t-isa at pagsisikap na maging number one ang mga tinuran na dahilan kung bakit nagdomina uli ang University of Perpetual Help sa men’s at women’s volleyball sa NCAA.
Winalis ng Altas ang best-of-three series laban sa Emilio Aguinaldo College para sa ikaapat na sunod na titulo sa kalaÂlakihan. Naiangat din ng koponan sa 47 sunod ang pagpapanalo na nasimulan noong 2011.
Dumaan sa butas ng karayom ang Lady Altas na kinailangang magpatatag sa fifth set sa deciding Game Five, para angkinin ang 17-25, 25-22, 25-16, 25-27, 15-6, panalo sa Arellano Lady Chiefs.
Si Sammy Acaylar ang siyang humawak sa dalawang koponan.
“It is important to have faith in each other. Everybody really worked hard for this,†pahayag ni Acaylar na siya ring hinirang bilang coach ng women’s national team.
“Our players showed a lot of discipline and the school is proud of these,†pahayag ni Anthony TaÂmayo, pangulo ng PerpeÂtual Help at NCAA Policy Board member.
Pinagningning ang dalawang titulo ng pagkapanalo nina Honey Royse Tubino at Jay dela Cruz bilang Season at Finals Most Valuable Players sa magkabilang dibisyon.
Si Tubino na regular season MVP din at gumaÂwa ng career-high 35 punÂtos sa huling laro sa championship series, ay nasa kanÂyang huling taon ng paglalaro.
Ipagdiriwang ng Perpetual Help ang tagumpay na nakuha sa taon pero kasabay nito ay ang pagpaplano kung paano palaÂlakasin pa ang dalawang koponan para maipagpatuloy ang tagumpay sa susunod na season.
“The road to another championship for Perpetual Help starts now,†pahayag ni Jeff Tamayo, ang bagong Management Committee representative ng Perpetual.