Blu Girls target ang bronze sa Asiad

MANILA, Philippines - May kumpiyansa si ASAPhil president Jean Henri Lhuillier na masusungkit ng Philippine Blu Girls na hawak ni coach Ana Santiago ang bronze medal sa gaganaping In­cheon, Korea Asian Ga­mes sa Setyembre.

Sa panayam kahapon sa pangulo ng Cebuana Lhuillier sa press confe­rence para ilatag ang mga plano ng kumpanya sa taong 2014, tinuran niya ang pagsungkit ng koponan sa ikaapat na puwesto sa Asian Championship noong Disyembre sa Chinese Taipei ay magandang senyales sa ipapakita sa Asiad mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.

“Majority of the team that competed in the Asian Championship are rookies. Come the Asian Games, they will be more seasoned. Finishing fourth place in the Asian Championship is a big accomplishment especially with world po­wers Japan, Chinese Taipei and Korea in this region. So the realistic goal would be a bronze medal and that’s what we are gearing ourselves at,” pahayag ni Lhuillier.

Pero hindi lamang sa team sport na ito nakatuon si Lhuillier dahil itinutulak din niya ang tennis players na ilabas pa ang makakaya para bigyan ng kinang ang laban ng bansa sa Davis Cup.

Ang mga Fil-Ams na sina Ruben Gonzales at Treat Huey ang nagdadala sa koponan na nanalo sa first round laban sa Sri Lanka, 3-1.

Pasok ang PH Davis Cuppers sa semifinals sa Asia Oceania Zone Group II tie at hihintayin ang mananalo sa Vietnam at Pakis­tan. Kapag nalusutan uli ng koponan ang larong ito, papasok na sila sa Finals at may tsansang umabante sa Group I sa susunod na taon.

Kinapos ang Nationals noong nakaraang taon nang natalo sa New Zealand sa finals.

 

Show comments