Gilas dapat pang magsumikap--Baumann

VITORIA--Hindi dapat makontento ang Pilipinas ngayon na nakabalik sa FIBA World Cup.

Ito ang paalala ni FIBA secretary-general Patrick Baumann na hinarap ang Pambansang delegasyon sa pangunguna ni Gilas coach Chot Reyes, para saksihan ang draw ng mga koponan sa Barcelona, Spain.

“Don’t just get back, you’ve got to stay in,” wika ni Baumann kay Reyes.

“At the World Cup, bring in the Filipino fans. We want to fill up the stands. We know Filipinos are everywhere in the world and how much they love basketball,” dagdag ni FIBA official.

Dahil sa mainit na suporta ng Pinoy, napagta-gumpayan ng Gilas ang inakalang imposible nang kunin ang pilak na medalya sa 2013 FIBA-Asia Men’s Championship na nilaro sa bansa.

Ang Gilas ay nalagay sa Group B kasama ang Argentina, Greece, Croatia, Puerto Rico at Senegal at gagawin ang laro sa Siyudad ng Sevilla na kinalulu-garan ng maraming Filipino.

Naihayag ni Reyes ang pasasalamat na sa nasabing siyudad gagawin ang laro dahil nakikita niyang susuporta ang mga Pinoy na naninirahan dito bukod pa ang mga panatiko na lilipad mula Manila para mapanood ang prestihiyosong torneo sa basketball.

Kasabay nito ay naiha­yag din ni Baumann na ma­labo ang hangarin ng Pilipinas na itaguyod uli ang FIBA-Asia sa 2015 dahil may ibang bansa rin ang nais na isagawa ang torneo.

Pero puwedeng mag-bid ang Pilipinas sa pamamagitan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa zone qualifiers ng 2016 Rio de Janeiro Olympics.

Mahalaga ang 2015 FIBA-Asia Men’s Cham-pionship dahil ang magkakampeon dito ang siyang natatanging kinatawan ng Asya sa Rio de Janeiro Olympics na katatampukan ng 12 bansa lamang.

Puwede namang umabante ang Pilipinas tungo sa 2016 Olympics nang hindi na dadaan sa FIBA-Asia pero mangyayari lamang ito ani ni Baumann, kung ang bansa ang lalabas na kampeon sa paglalabanang World Cup.

 

Show comments