^

PSN Palaro

E-painters tatapusin na ang Boosters ipipinta na!

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala man sa kanilang bench si head coach Yeng Guiao ay pipilitin pa rin ng Elasto Painters na angkinin ang unang Finals ticket kontra sa Boosters.

Tangan ang malaking 3-1 abante sa kanilang best-of-seven semifinals series, sasagupain ng Rain or Shine ang Petron Blaze sa Game Five ngayong alas-8 ng gabi para sa 2013-2014 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Nanggaling ang Elasto Painters sa 88-83 panalo laban sa Boosters sa Game  Four noong Lunes kung saan napa­talsik si Guiao dahil sa ikalawang technical foul sa third period.

Noong Miyerkules ay nakausap ni PBA Commissioner Chito Salud si Guiao kaugnay sa ginawa nitong ‘dirty finger’ sa kanyang direksyon at sa technical committee.

Pinatawan ni Salud si Guiao ng isang one-game suspension at multang P100,000 dahil sa naturang inasal ng mentor.

Sinabi ni Atty. Mamerto Mondragon, ang kinatawan ng Painters sa PBA Board of Governors, na masyadong mabigat ang naturang parusa ni Salud kay Guiao lalo pa at nasa krusyal na bahagi ang serye.

“It was too harsh. we have no problem with the fine, but the one-game suspension was too much. Mas­yado na kaming pinila­yan,” reklamo ni Mondragon.

Kasabay nito, hiniling rin ng Painters kay Salud na rebisahin ang sinasabi nilang pananapok ni Boos­ters’ guard Alex Cabag­not kay forward Jervy Cruz sa dulo ng fourth quarter sa Game Four.

“It would be observed that with 29 seconds left in the 4th quarter, Rain or Shine leading 87-82 and inbounding from the sideline in front of the bench, Gabe Norwood passed the ball to Jervy Cruz. Upon receiving the ball, Alex Cabagnot gave a hard foul 27.7 se­conds left in the game using a closed fist that hit Jervy Cruz on the nose,” ani  Mondragon.

Idinagdag pa ni Mondra­gon na imbes na flagrant foul ang ipinataw ni referee Sherwin Pineda kay Cabag­not ay ikinunsidera lamang niya itong isang regular foul.

“The call should have been Flagrant 2. The foul resulted to nasal bone fracture to Jervy Cruz, which may possibly require an operation,” ani Mondragon.

Kumpiyansa si Guiao na kahit wala siya ay makakamit pa rin ng Rain or Shine ang panalo para tuluyan nang masikwat ang unang Finals berth.

 

vuukle comment

ALEX CABAG

ALEX CABAGNOT

BOARD OF GOVERNORS

COMMISSIONER CHITO SALUD

ELASTO PAINTERS

GUIAO

JERVY CRUZ

MONDRAGON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with