MANILA, Philippines - Hindi mangingiming paÂngunahan ng PATAFA ang pagkilos para patalsikin sa puwesto si PSC commissioner Jolly Gomez bunga ng kanyang aksyon laban sa kanilang dalawang national coaches.
Matatandaan na inirekomenda ni Gomez na alisin sa mga sinusuportaÂhang coaches sina Joseph Sy at Roselyn Hamero dahil hindi umano nanalo ang kanilang sinasanay na atleta sa Myanmar SEAG.
Inakusahan din ni Gomez ang dalawang coach na namemeke ng credentials ng mga hawak na manlalaro para maipasok sa national pool at naÂkaÂkapaglaro sa labas ng bansa pero hindi nananalo ng medalya.
“Our athletes and coaches are frustrated and feeling restless, with the way the PSC is beha-ving. I’ve been meeting with them lately, assuring them that despite the lack of respect and support accorded to them by the PSC, the PATAFA is behind them all the way,†statement na nanggaling sa pangulo ng PATAFA na si Go Teng Kok.
Hindi maintindihan ni Go kung bakit pinag-iinitan ni Gomez sina Sy at HaÂmero gayong ang PATAFA ang siyang kinilala bilang may pinakamagandang ipinakita sa 2013 SEA Games matapos humakot ng anim na ginto.