MANILA, Philippines – Dismayado si Rain or Shine head coach Yeng Guiao sa suspensyon na ipinataw sa kanya ng PBA at sinabing pabor ito sa katunggaling Petron Blaze Boosters.
Inilabas ni PBA Commissioner Chito Salud ngayong Miyerkules ang parusang one-game suspension at multang P100,000 kay Guiao matapos dalawang beses masipa sa best-of-seven semi-final series nila ng Petron at magmuestra ng “dirty finger†sa game officials.
“I’m disappointed because it’s like handing Petron the game on a silver platter. Hindi siya commensurate sa infraction. It gives Petron a really big advantage in our next game,†reaksyon ni Guiao sa desisyon ng PBA.
“Nawalan na kami ng Paul Lee (sprained ankle), we don’t know if he can play, broken nose na si Jervy Cruz tapos aalisin pa ako? I think it’s not justified.â€
Kaugnay na balita: Guiao 1 laro suspendido, multa ng P100K
Pero alam ni Guiao na wala na siyang magagawa sa desisyon ng PBA ngunit iginiit na may problema talaga sa officiating ng pinakamatandang liga sa Asya.
“Wala na tayong magagawa but the bottomline here is the bad officiating. Lahat ng pinagmulan naman ito ay 'yung maling tawagan. I just expressed my disgust on the officiating. I am not alone. It’s a prevalent sentiment in the league,†wika ni Guiao. “That’s the first thing [officiating] that’s needed to be addressed.â€
Isang panalo na lamang ang kailangan ng Elasto Painters, hawak ang 3-1 na kalamangan sa serye, upang makatawid sa Finals, ngunit hindi ito magiging madali dahil sa natamong injury ni Lee at Cruz.
“Para mo kaming tinalian sa kamay tapos ilalaban mo kami sa napakalakas na team, I think that’s also an injustice to the fans,†banggit ni Guiao.