Gilas kilala na ang katunggali sa FIBA world cup
MANILA, Philippines – Nalaman na ngayong Martes ang makakabangga ng Gilas Pilipinas para sa 2014 FIBA World Cup sa España.
Napabilang ang Pilipinas sa delikadong grupo kasama ang Greece, Puerto Rico, Croatia at Senegal.
Nasa panlimang puwesto ng world rankings ang Greece, habang nasa 16th at 17th ang Croatia at Puerto Rico, habang nasa 41st ang Senegal.
Nakatuntong ang national men’s basketball team sa pang-34 na puwesto matapos makuha ang silver medal sa FIBA Asia Championship.
"This is a tough group. We don't have any disillusions about our group. We are going to prepare, we are going to work very hard," pahayag ni Gilas coach Chot Reyes matapos ang official draw na ginawa sa Palau de la Musica Catalana sa Barcelona Spain kaninang madaling araw.
Sinabi naman ni Reyes sa kanyang Twitter account na mas mapapadali sana ang kanilang karera kung napabilang sa Group C.
“Sayang! The 2 teams I felt kaya natin - Ukraine & Finland nasa Group C. Would've loved to be in that group. Basta #LabanPilipinas #PUSO!†post ni Reyes.
Pero alam ni Reyes na walang madaling kalaban sa world stage kaya naman kinakailangan nilang maghanda sa matinding kompetisyon.
"For a team like the Philippines, there is really no easy group for us in a competition like this. In my mind, I had mentally prepared psychologically that we'll be up against very very tough competition," dagdag niya.
- Latest