MANILA, Philippines - Nagkasama-sama ang mga tinitingalang manlalaro sa PBA nang pormal na inilunsad noong Huwebes ng gabi (Enero 30) ang Virtual Sports Inc. sa Revolver Fort Office sa Bonifacio Global City, Taguig.
Pag-aari at patatakbuhin ng mga eksperto sa industriya, ang Virtual Sports Inc., ay nakatuon para bigyan ng oportunidad ang mga nasa kanilang pangangalaga ng malawak na exposure hindi lamang sa sports kundi pati sa larangan ng edukasyon, negosyo, media at entertainment.
“This is more than just basketball and sports,â€: wika ni Dondon MonteverÂde, ang pangulo ng nasaÂbing kumpanya.
Makakasama ni MonteÂverde sa Virtual Sports Inc. ang kilalang sports agent na si Charlie Dy na siyang magiging chief executive officer, Edgar Tan at Paula Punla bilang managing directors.
Kabilang sa mga tiniÂtingalang PBA players na nasa pangangalaga ng Virtual Sports Inc. ay sina JamesYap ng San Mig Coffee, Jimmy Alapag at Ranidel De Ocampo ng Talk N’Text at rookie top pick Greg Slaughter ng Barangay Ginebra habang sina Kevin Alas, Bobby Ray Parks Jr., at Baser Amer ang ilang mga amateur plaÂyers na nasa kanilang listahan.