^

PSN Palaro

Basketball stars dumagsa sa Virtual Sports Inc.

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkasama-sama ang mga tinitingalang manlalaro sa PBA nang pormal na inilunsad noong Huwebes ng gabi (Enero 30) ang Virtual Sports Inc. sa Revolver Fort Office sa Bonifacio Global City, Taguig.

Pag-aari at patatakbuhin ng mga eksperto sa industriya, ang Virtual Sports Inc., ay nakatuon para bigyan ng oportunidad ang mga nasa kanilang pangangalaga ng malawak na exposure hindi lamang sa sports kundi pati sa larangan ng edukasyon, negosyo, media at entertainment.

“This is more than just basketball and sports,”: wika ni Dondon Montever­de, ang pangulo ng nasa­bing kumpanya.

Makakasama ni Monte­verde sa Virtual Sports Inc. ang kilalang sports agent  na si Charlie Dy na siyang magiging chief executive officer, Edgar Tan at Paula Punla bilang managing directors.

Kabilang sa mga tini­tingalang PBA players na nasa pangangalaga ng Virtual Sports Inc. ay sina JamesYap ng San Mig Coffee, Jimmy Alapag at Ranidel De Ocampo ng Talk N’Text at rookie top pick Greg Slaughter ng Barangay Ginebra habang sina Kevin Alas, Bobby Ray Parks Jr., at Baser Amer ang ilang mga amateur pla­yers na nasa kanilang listahan.

 

BARANGAY GINEBRA

BASER AMER

BOBBY RAY PARKS JR.

BONIFACIO GLOBAL CITY

CHARLIE DY

DONDON MONTEVER

EDGAR TAN

GREG SLAUGHTER

VIRTUAL SPORTS INC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with