MANILA, Philippines - Nasa kamay na ng Kongreso ang paghahangad ng bansa na magkaroon pa ng dalawang naturalized players para palakasin ang laban sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.
Si Antipolo Representaive Robbie Puno ang siyang naghain ng House Bills 3783 at 2784 para sa naturalization nina NBA players Javale McGee ng Denver Nuggets at Andray Blatche ng Brooklyn Nets.
Ang 26-anyos na si McGee ay may taas na 7-feet habang ang 27-anyos na si Blatche ay may taas na 6’11.
Sa ngayon ay si Marcus Douthit ang naturalized plaÂyer ng Gilas pero itinutulak ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na magkaroon ng dalawa pa para may pagpilian sakaling magkaroon ng aberya o injury si Douthit.
“We all saw what Marcus Douthit did for the Philippine team in FIBA Asia last year, McGee and Blatche can further strengthen Gilas and boost our chances in Spain,†pahayag ni SBP president Manny V. Pangilinan.
Isang naturalized player lamang kada bansa ang puwedeng maglaro base sa alituntunin ng FIBA at ang mga kasali sa World Cup ay binibigyan ng hanggang HunÂyo 30 para maisumite ang kanilang opisyal na line-up.
Bukod sa World Cup, naghahanda rin ang Pilipinas sa Asian Games sa Incheon, Korea at malaki ang maiÂtutulong ng dalawang NBA players sa puntiryang gintong medalya.
Ang Pilipinas ay huling nakapasok sa FIBA World Championship noon pang 1978 nang ito ay ginawa sa bansa.