MANILA, Philippines - Napagtagumpayan ni Rey Loreto ang naging misÂyon nang kunin ang baÂkanteng International Boxing Organization (IBO) light flyweight title matapos patulugin sa ikatlong round ang dating world champion na si Nkosinathi Joyi ng South Africa noong Sabado sa The Salle Des Etoiles sa Monte Carlo, Monaco.
Pinahirapan ng 23-anÂyos tubong Davao City na si Loreto ang African boÂxer gamit ang kanyang matitinding kaliwa para makuha ang world title sa unang salang.
Sa huling segundo ng second round ay muntik nang bumuwal ang 31-anÂyos na si Joyi at pinalad lamang ito na naubusan ng oras ang Filipino boxer para umabot sa third round ang sagupaan.
Sumablay si Joyi sa isang left hook bago pinaÂkawalan ni Loreto na kilala sa taguring ‘Hitman’, ang may buwelong counter left na solid na tumama sa panga ng kalaban.
Bumulagta and African boxer para matapos ang laban, 49 segundo sa ikatlong yugto.
“Natupad ang pangarap ko. Nagbunga ang paghihirap ko,†wika ni Loreto sa Philboxing.com.
Naiakyat ni Loreto ang karta sa 18 panalo, kasama ang 10KOs, at 13 talo at ito ang ikalawang sunod na panalo niya laban sa daÂyuhan.
Noong Agosto 23, 2013 ay tinalo niya sa pamamagitan ng technical decision si Pornsawan Porpramook ng Thailand sa Bangkok para angkinin ang interim PABA light flyweight title.
Si Loreto ang lalabas bilang ikatlong boxer ng bansa na nagkampeon sa IBO kasunod nina Pambansang kamao Manny Pacquiao at Edrin Dapudong.