MANILA, Philippines - Babanderahan ng mga dating kampeong sina Irish Valenzuela ng Army, Mark Galedo ng 7 Eleven at Santy Barnachea ng Navy-Standard Insurance ang kampanya ng bansa sa pagpadyak ng Ronda Pilipinas International 2014 sa pamamagitan ng isang 66-kilometer Stage One sa Quezon City Circle.
Makakasukatan nina Valenzuela, Galedo at Barnachea, naghari sa unang tatlong edisyon ng Ronda bago maging international event ngayong taon, ang mga foireign riders.
Sinabi ng 28-anyos na si Galedo, ang second edition winner at reigning Southeast Asian Games gold medalist sa Myanmar, na nasa maganda siyang kondisyon para sa karera.
Lumipat naman si Valenzuela sa Army matapos mawala ang koponan ng LPGMA-American Vinyl.
Premyong P7.3 milÂyon ang nakalatag kung saan ang mga individual at team overall champions ay tatanggap ng tig-P600,000 sa event na itinataguyod ng LBC, MVP Sports Foundation, NLEX, Maynilad, PLDT and Mitsubishi, Versa 2 Way Radio, Standard Insurance at Air Asia Zest. (JVillar)