MANILA, Philippines - Susubukan ni Rey “The Hitman†Loreto na taÂlunin ang beteranong si Nkosinathi Joyi ng South Africa para sa bakanteng International Boxing Organization (IBO) light flyweight title ngayon sa Monte Carlo, Monaco.
May 13 talo sa 17 panalo, ang 23-anyos tuÂbong Davao City ay lumipad paÂtungong Monaco bitbit ang technical decision panalo laban kay PornsaÂwan Porpramook ng Thailand noong Agosto 23, 2013 sa Bangkok, Thailand.
Itinigil ang laban matapos maputukan dahil sa acciÂdental headbutt si PornÂsawan sa 1:01 ng 10th round at pinalad si LoÂreto na nanalo sa dalawang hurado, 88-82 at 86-84, upang maisantabi ang 85-85 draw ng isang judge at maiuwi ang PABA light flyweight title.
Ang 31-anyos na si Joyi ay magbabalak na kunin ang ikalawang division title matapos maghari sa IBO at IBF minimumweight divisions.
Kabilang sa mga respetadong boksingero na tinalo ni Joyi, may 24 panalo, kasama ang 17 KO, isang tabla at dalawang talo, ay sina Mexican boÂxers Sammy Gutierrez at Raul Garcia at dating IBF minimumweight titlist ng bansa si Florante Condes.
May isang boksingero na hinarap sina Loreto at si Joyi noong 2013 at ito ay si Benezer Alolod at natalo si Loreto sa kababayan niya sa technical decision noong Marso 16 habang pinatulog sa ninth round ni Joyi ang tubong Polomolok, Cotabato del Sur, noong Agosto 31.
Ang labang ito ay unÂderÂcard sa pagdepensa ng walang talong WBA middleweight champion na si Gennady Golovkin (28-0, 25KO) laban kay US-baÂsed Ghanaian Osumanu Adama. (ATan)