MANILA, Philippines - Kinuha ng Philippine Football Federation (PFF) si dating US team captain Thomas Anthony Dooley para siyang maupo bilang head coach ng Azkals.
Ang 52-anyos na si Dooley na ipinanganak sa BechÂhofen, West Germany ay uupo kapalit ni Hans Michael Weiss na hindi na pinalawig ang kontrata sa Pambansang koponan.
May taas na 6’1, si Dooley ay naglaro mula 1979 hanggang 2000 sa Germany at US at tumapos siya bitbit ang 47 goals. Binigyan siya ng US citizenship noong 1992 at isang taon ang nakalipas ay kinilala bilang US Soccer Athlete of the Year. Nakapaglaro rin siya sa 1994 at 1998 FIFA World Cup at tumayong team skipper sa huli.
Bago napili sa Azkals, si Dooley na nakatira sa Laguna Niguel, California ay Player Development Program Manager ng South Coast Bayern Futbol Club na tumutulong sa pagpapayabong ng kaalaman ng kabataang nahihilig sa football sa South Coast. (AT)