May tsansang maglaro si Blatche sa Gilas

MANILA, Philippines - Inamin ni NBA player Andray Blatche ng Brooklyn Nets na mayroong lumapit sa kanya para maging naturalized player ng Gilas Pilipinas na sasabak sa 2014 FIBA-World Cup sa Spain.

“It was brought to my attention a couple of days ago and I told them I’d be interested in doing it. It’s cool,” wika ng 6-foot-11 na si Blatche sa mga Brooklyn reporters.

Mula sa Washington Wizards ay lumipat si Blatche sa Nets noong 2012 kung saan siya nagtala ng mga averages na 10.3 points at 5.1 rebounds.

Noong Hulyo ng 2013 ay muling pumirma si Blatche ng kontrata sa Brooklyn.

Sinabi ni Blatche na maaari siyang maglaro para sa Gilas Pilipinas sa FIBA-World Cup, nakatakda sa Agosto 30 hanggang Setyembre 15, bilang paghahanda para sa 2015 season ng NBA.

“It’ll help me get ready for training camp and the season. I said I’m interested, so there’s a good chance of it hap­pening,” wika ni Blatche.

“Basically, just go over there, and I can imagine just win. Play. Hoop. Win. Whatever. I don’t know.”

Bukod sa 28-anyos na si Blatche, binanggit rin ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes ang pangalan ni seven-foot JaVale McGee ng Denver Nuggets.

Show comments