Magandang pagtatapos sa elims asam ng NLEX, Big Chill

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

2 p.m.  Big Chill

vs Hog’s Breath Café

4 p.m.  NLEX

vs Zambales M-Builders

 

MANILA, Philippines - Bigyan ng magandang pagtatapos ang kampan­ya sa PBA D-League Aspirants’ Cup elimination round ang balak ng mga semifinalists na Big Chill at NLEX ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Kalaban ng Superchargers ang Hog’s Breath Café sa ganap na alas-2 ng hapon bago sumalang ang Road Warriors kontra sa Zambales M-Builders dakong alas-4 ng hapon.

Nasa unang puwesto ang tropa ni coach Robert Sison sa 11-1 karta at ga­ling sa 94-91 panalo sa Boracay Rum noong Lunes sa kanilang pagbabalik ma­tapos ang mahigit na isang buwang bakasyon.

Selyado na nila ang puwesto sa semifinals ngunit nais ni Sison na hawakan ang number one spot papasok sa Final Four.

May posibilidad kasing magkatabla sila ng Road Warriors sa 10-2 karta kung matalo sila sa Razorbacks at manalo ang NLEX sa M-Builders.

Kapag nangyari ito, ang bataan ni coach Boyet Fernandez ang kukuha sa unang puwesto dahil tinalo nila ang Big Chill, 97-88, noong Disyembre 2.

Ang Hog’s Breath Café ay selyado na ang number four spot kasunod ng Jumbo Plastic na nasa ikatlong puwesto at ang dalawa ay may twice-to-beat advantage laban sa Cagayan Valley at  Blackwater Sports.

Mabigat na kalaban ang Rising Suns kaya’t ka­ilangang magkaroon ng momentum ang tropa ni coach Caloy Garcia at makukuha nila ito kung ma­ipapanalo ang mabigat na larong  ito. (AT)

Show comments