Batang Pinoy national finals simula na ang aksyon, 25 ginto pag-aagawan
BACOLOD CITY, Philippines - -- Kabuuang 25 gintong medalya sa athletics, weightlifting at gymnastics ang pag-aagawan sa pagsisimula ngayon ng mga aksyon sa Batang Pinoy National Championships 2013.
Nakataya sa athletics ang 18 ginto, habang nakataya ang apat sa weighlifÂting at tatlo sa gymnastics events.
Sinabi ni Bacolod City Mayor Monico Puentevella, ang ‘brainchild’ ng Batang Pinoy na inilunsad noong 1998, na hindi mahalaga para sa kanya ang overall championship.
“What is important for me is the continuation of this program every year, kasi dito tayo makakakuha ng mga potential members ng national team natin,†ani Puentevella sa Batang Pinoy na sinasalihan ng mga batang atletang may edad 15-anyos pababa.
Ang mga gintong pagÂlalaban sa athletics ay sa boys’ 5,000-meter run, girls’ long jump, boys’ shot put, boys high jump, girls’ 2,000m walk, boys’ at girls’ 400m run, boys’ long jump, girls’ shot put, girls’ high jump, boys’ at girls’ 100m hurdles, boys’ at girls’ 100m dash, girls’ 10,000m at boys’ at girls’ 4x4 relay.
Nakatakdang itaya bukas ang 16 gold medals para sa ikalawa at huling araw ng athletics competition.
Pag-aagawan naman sa weighlifting ang mga ginto sa girls’ 32kg, 36kg. at 40kg. at 34kg. sa boys division.
Bubuksan din ngayon ang eliminasyon sa arnis, badminton, basketball 3-on-3, boxing, chess, futsal, karatedo, lawn tennis, sepak takraw, softball, table tennis at volleyball.
- Latest